Biglang Nawala si Chef Boy Logro… Ito na ang Buhay Niya Ngayon.

Biglang Nawala si Chef Boy Logro… Ito na ang Buhay Niya Ngayon.

Minsan siyang hari ng cooking show sa Pilipinas. Halos araw-araw siyang napapanood sa telebisyon at naging bahagi ng maraming tahanan. Sa tuwing oras ng kainan, maraming pamilya ang nakatutok sa kanyang programa. Ang kanyang boses, mga biro at kakaibang istilo sa pagluluto ay naging bahagi ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino.

Pero ngayon, tahimik na ang kanyang pangalan sa TV. Bihira na siyang makita sa regular na telebisyon at marami ang nagtatanong. Nasaan na nga ba si Chef Boy Logro ngayong 2026?  Nagretiro na ba siya o pinili lamang ang ibang direksyon ng buhay?  Alamin natin sa video na ito si Chef Boy Logro na ang tunay na pangalan ay Pablo Logro ay ipinanganak sa Cawayan Biliran.

Doon siya lumaki sa isang simpleng komunidad at nagmula sa isang napakahirap na pamilya. Anak siya ng isang mangingisda at maagang naranasan ang tunay na hirap ng buhay. May mga araw na kulang ang pagkain sa hapag at walang kasiguraduhan ang kinabukasan. Dahil sa hirap ng kanilang kalagayan, hindi niya naipagpatuloy ang mataas na pag-aaral.

Ngunit sa halip na sumuko, ginamit niya ang kahirapan bilang inspirasyon upang balang araw ay mabago ang buhay ng kanyang pamilya. Sa murang edad, lumuwas siya papuntang Maynila upang maghanap buhay.  Iniwan niya ang probinsya dala ang pag-asang makakaon sila sa hirap. Sa malaking lungsod, nagsimula siya sa pinakaibaba.

Isa sa una niyang naging trabaho ay bilang dishwasher sa isang maliit na kainan sa Quiapo. Araw-araw siyang naghuhugas ng pinggan,  naglilinis ng kusina at gumagawa ng mabibigat na trabaho para lamang kumita.  Habang dishwasher siya, hindi siya tumigil sa pagkatuto. Tahimik niyang inoobserbahan ang mga kusinero. Tinitingnan niya kung paano humawak ng kutsilyo, paano maggisa,  paano timplahan ng pagkain at paano gumalaw ng mabilis sa kusina.

Dito nagsimula ang kanyang pangarap na maging chef. Kalaunan napansin ang kanyang sipag at eagerness matuto.  Pero bago po ang lahat, baka pwedeng pa-like muna ang video na ito.  Isang simpleng click lang pero malaking tulong yan sa aming mga content creators  para makagawa pa ng mga kwentong gaya nito. Maraming salamat po.

See also  Katrina Halili at Kris Lawrence, Dinumog ng Fans sa Meet and Greet—Kilig at Sigawan, Hindi Napigilan

Nabigyan siya ng pagkakataong tumulong sa kusina hanggang sa unti-unting matutong magluto. Dahil sa sipag at tiyaga.  Dumating ang malaking oportunidad nang magkaroon ng hiring para sa mga kusinero papuntang Oman. Para sa marami, imposible iyon para sa isang dating dishwasher.  Ngunit para kay Chef Boy, iyon ang pagkakataong matagal niyang hinihintay.

Natanggap siya bilang junior chef sa Royal Kitchen ng Oman. Sa simula, hindi agad marangya ang trabaho niya. >>  >> Tagabalat siya ng gulay, tagaayos ng ingredients, tagalinis ng kitchen station at tagasunod sa mga senior chefs. Ngunit hindi siya nagreklamo. Sanay na siya sa hirap  at alam niyang bawat maliit na trabaho ay may kapalit na malaking oportunidad.

At isang araw, dumating ang pagkakataong tuluyang magbabago sa kanyang buhay. Kinailangan ng mabilisang appetizer para sa mahalagang bisita ng sultan. Limitado ang ingredients sa kusina at kailangang kumilos agad. >>  >> Habang ang iba ay nag-aalangan, si Chef Boy ay gumawa ng paraan gamit ang avocado at hipon.

Gumawa siya ng eleganteng dish na tinatawag na avocat crevets.  Nang matikman ito ng Sultan Kabus ng Oman. Humangaumano ito sa lasa at presentasyon ng pagkain.  Nang malaman pang isang Pilipinong junior chef ang may gawa nito, lalo siyang namangha. Doon nagsimula ang kanyang pag-angat. Mula sa ordinaryong kusinero, naging personal chef siya ng sultan ng Oman.

Isipin mo iyon.  Mula dishwasher sa Quiapo, naging personal chef ng isa sa pinakamakapangyarihang leader sa Middle East.  Bilang personal chef ng sultan, nagkaroon siya ng pagkakataong magsilbi sa ilang pinakamabibigat na personalidad sa mundo. Kabilang umano rito, sina Queen Elizabeth II,  Princess Diana, dating US President George H.

Bush at iba pang world leaders. Mas naging espesyal pa ang panahong iyon dahil pinayagan din siyang makasama ang kanyang pamilya sa Oman. Isa itong napakalaking pribilehiyo na hindi karaniwang natatanggap ng isang empleyado kasama niya roon ang asawa at mga anak sa loob ng maraming taon. Nakatira sila ng maayos, may seguridad at may magandang oportunidad sa buhay.

See also  Ang Bigat ng Korona: Hinarap ni Sharon Cuneta ang Isang Mapangwasak na Katotohanang Sumira sa Kanyang Mundo

Ngunit sa kabila ng marangyang buhay sa ibang bansa, nagpasya siyang bumalik sa Pilipinas. Marami ang nagtaka kung bakit pa siya uuwi gayong maayos na ang buhay niya sa Oman.  Una, gusto niyang lumaki ang kanyang mga anak sa sariling bayan. Ikalawa, nais niyang ibahagi sa kapwa Pilipino ang kanyang natutunan sa International Culinary World.

At ikatlo, nabigyan siya ng pagkakataong maging kauna-unahang Pilipinong executive chef ng isang five star hotel sa bansa pagbalik niya sa Pilipinas.  Napatunayan niyang kayang makipagsabayan ng Pinoy sa world class level. Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang tagumpay. Habang kilala na siya sa culinary industry, naimbitahan siyang mag-guest sa isang television cooking segment.

Doon napansin ng mga producers ang kakaiba niyang personalidad. >>  >> Hindi siya scripted. Hindi siya trying hard. Natural siyang magsalita. Mabilis kumilos, masayahin at nakakatawa. At higit sa lahat, minahal siya ng tao dahil totoo siya. Minsan mali-mali ang English niya. Minsan sablay ang grammar.  Minsan kakaiba ang pagbigkas.

Ngunit imbes na laitin, lalo siyang minahal ng publiko dahil authentic siya at walang  arte. Sa panahong maraming personalidad ang gustong magmukhang perpekto. Si Chef Boy ay kabaligtaran. >>  >> Totoo siya sa sarili, simple at relatable. Kaya nang magkaroon siya ng sariling shows tulad ng idol sa kusina at kusina master, agad siyang naging household name.

Ang mga linyang Pingping Ping ay naging bahagi ng pop culture ng bansa. Sa loob ng maraming taon, isa siya sa pinakasikat na chef sa telebisyon.  Ngunit dumating ang panahon na kahit may mga bagong offer mula sa GMA at iba pang networks,  pinili niyang tanggihan ang mga ito. Hayon mismo kay Chef Boy, pakiramdam niya ay tapos na ang kanyang TV era.

Naramdaman niyang naibigay na niya ang lahat sa telebisyon.  Pagod na rin siya sa mahabang oras ng taping, puyatan, paulit-ulit na takes at pressure ng ratings.  Ngayon, hindi na siya pressured. Wala na siyang kailangang habuling ratings.  Wala ng script na kailangang kabisaduhin. Wala ng producer na nagmamadali.

Wala ng stress ng araw-araw na taping. Mas gusto na niyang mamuhay ng simple at hawak ang sarili niyang oras. Sa kasalukuyan, mas madalas siyang nasa Davao kung saan pinili niya ang tahimik  na pamumuhay malayo sa ingay ng showez. Doon siya naninirahan sa kanyang farm property.  Nagtatanim siya ng gulay, nag-aalaga ng hayop at ine-enjoy ang preskong hangin ng probinsya.

See also  “Jessica Soho, Sumabog sa Galit Matapos ang “Bastos” na Paghingi ng Tawad! “

Biglang Nawala si Chef Boy Logro… Ito na ang Buhay Niya Ngayon. - YouTube

Mula sa ilaw  ng studio, napalitan ito ng katahimikan ng kalikasan. Aktibo pa rin siya ngayon sa digital world.  Mayroon siyang vlog kung saan ibinabahagi niya ang kanyang pagluluto,  buhay sa farm, simpleng araw-araw na gawain at mga aral sa buhay. Mas malaya siyang gumawa ng content sa sarili niyang paraan.

Walang pressure, walang script at walang limitasyon sa oras. Isa pa sa pinakamalaking tagumpay niya ay ang kanyang pamilya. Karamihan sa kanyang mga anak ay sumunod din sa yapak niya  at naging mga chef din. Ang iba ay tumutulong sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo, culinary school at iba pang family ventures.  Sa madaling salita, hindi lang si Chef Boy ang naging chef.

Naging culinary family sila. Ngunit kahit matagumpay na siya, dumaan pa rin siya sa ilang pagsubok. Isa sa pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay ay nang maloko umano siya ng isang mayamang tao. Hindi man niya pinangalanan, inamin niyang nasaktan siya dahil sa tiwalang ibinigay niya. Bukod dito, naranasan din niya ang malaking pagkalugi sa negosyo noong panahon ng pandemya.

Naapektuhan ang kanyang mga culinary school at iba pang ventures, ngunit muli siyang bumangon. Noong eleksyon 2022, pumasok din siya sa pulitika bilang unang nominee ngat kusinerong Pinoy Party List. >>  >> Layunin niyang magkaroon ng boses ang mga kusinero, food workers at maliliit na negosyante.

Bagam’t hindi siya pinalad manalo, ipinakita nito na gusto pa rin niyang magsilbi sa bayan. Ngayon, bagamat wala na siya sa regular telebisyon, nananatili siyang aktibo sa pagtuturo, negosyo,  vlogs at tahimik na pamumuhay sa Davao. Si Boy Logro ay patunay na ang tunay na tagumpay ay hindi lang nasa pera o kasikatan kundi nasa pamilya, kapayapaan at kakayahang bumangon sa buhay. Eh

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

© 2026 toyotaokayama | All rights reserved